Wednesday, 10 August 2011

Maunlad at Disiplinadong Bayan, Dulot ng Wika

Sa mga batas na ipinapatupad, alin ba ang nasusunod at naiintindihan ng kalahatan? Hindi ba't nakasulat sa Ingles ang mga ito?



Karamihan sa madla ang mahihirap at ang iba ay walang pinag-aralan. Sa kadahilanang ito, ang batas ay hindi nila agad-agad nasusunod o kung minsan ay binabalewala na lamang.

Bakit nga ba ang hilig ng mga Pilipino na tangkilikin ang wikang Ingles, sa gayong Filipino naman ang pambansang wika? Bakit hindi nila isalin ang mga ito sa Filipino?

Sinasabing kailangang hasain ang mga mag-aaral sa pagsasalita ng Ingles upang maging handa raw sa hinaharap. Ngunit, paano naman kung napakahusay ng isang mag-aaral sa Ingles pero bagsak naman sa Filipino? Hindi ba mas nakakahiya iyon?



Sana ay isipin na bago pagtuunan ng pansin ang ibang wika ay paunlarin muna ang sariling atin. Sa paraang ito, hindi lang mapapaunlad ang ating wika, magkakaroon pa tayo nang disiplina sapagkat naiinindihan na natin ang mga batas na ipinapatupad.

Tema: Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan

This is an entry to the Buwan ng Wika Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook.

9 comments:

  1. Sumasang-ayon ako sa iyo Airish. Bagkus, kahit gaano pa man kagaling ang isang tao sa pagsasalita ng Ingles, hindi ito ang salik sa pagiging isang mahusay at matagumpay. Dapat lahat tayo ay mapagtanto ang ating mga responsibilidad bilang mga Pilipino. At isa natin sa lahat ng oras, tayo ay Pinoy at Filipino ang ating wika.

    ReplyDelete
  2. sumasang-ayon rin ako..:D,,haha

    ReplyDelete
  3. yay! salamat sa komento jm kichi2..c:

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. tama!
    nang sa gayon ay mapaunlad natin ang ating sariling wika at matutunan nating mahalin ito..

    kung magagawa natin to ay di na natin kailangan pang tumingala sa mga karatig bansa, di na tayo magiging dayuhan sa sarili nating wika!


    HAHAHA :D

    ReplyDelete
  7. tama... subalit sa aking pagkakaalam, lahat ng ating mga batas ay tlgang naisalin na sa filipino, ito ay tlgang kinakailngan. makikita rin naman ito sa maraming aklat. ang mali nga lang ay ang mga babala na nkapaskil sa mga pampublikong lugar at mga batas na karaniwang naririnig ng mga pinoy, ay nkasalin sa Ingles kaya't hindi ito naiintindihan ng karaniwan kung kaya't hndi rin nla ito naisasabuhay at nasusunod. kaya dpat isulong ang wikang filipino pra sa kapayapaan! :D

    ReplyDelete