Pambansang wika, ating pahalagahan
Ito'y nagbubuklod sa ating bayan
Kahit sino ka man, basta't ika'y Pilipino
Wikang Filipino ang pambansang wika mo.
Saanmang panig ng bansa
Wikang Filipino ay napakahalaga
Kung wala ito, mahirap makipagsalamuha
Dahil hindi ka maintindihan ng iyong kapwa.
Pagyamanin natin ang sariling wika
Sapagkat sa atin ito'y mahalaga
Luzon, Visayas, Mindanao, kung saan may Pilipino
Wikang Filipino ang gamitin mo.
-by Dann Llabore, Grade VI, GSC SPED Integrated School
No comments:
Post a Comment