"Mrs. Manalotto, pakipirmahan na lang po ito."
Si Mrs. Manalotto ay isang manggagawa na naakusahang nagnakaw ng pera. Ang kanyang abugado ay naniningil nang malaking halaga kapalit sa serbisyo nito. Ngunit, ang hindi alam ni Mrs. Manalotto ay pineperahan lamang siya at wala naman gaanong ginagawa ukol sa kaso.
- - - - - -- - - -- - - - - - - - - - - - - - -- - - - -- - -- - - -- - - -- - -
Isa lamang ito sa mga halimbawa na nagaganap sa bansa ngayon na hindi basta-bastang namamalayan. Eh kasi naman, mas nabibigyang-pansin ang ibang suliranin. Subalit, hindi ba ang mga higanteng problema ay nagmumla sa maliit na gusot?
Isa pang dahilan sa pagpapalokong ito ay ang hindi naiintindihang wika. Ang ating mga batas at ibang nakasulat ay nakasalin sa Ingles. Kung ganito ng ganito, sa palagay mo ba mauunawaan ito ng madla lalo na ang mga kapus-palad?
Nasaan ang katarungan sa gawaing ito?
Paano maisusulong ang kaunlaran sa paraang ito kung ang mga tao rin mismo sa bansa ang umaabuso? Bakit hindi simulan ng pamahalaan ang paggawa ng batas na nakasulat sa wikang Filipino?
Tema: Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan
This is an entry to the Buwan ng Wika Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook.
Totoo nga ang iyong sinabi airish at ako'y sumasang-ayon sa iyong sinulat. Dapat nga wag abusuhin ng mga nakakataas ang mga kapus-palad.
ReplyDeleteIpagmalaki na tayo'y Pinoy!
nehahaha,,,,,tama ka lot,,puro na lang ingles at hindi na gaanong napapahalagahan ang sarili nating wika,,,totoo na kailangan natin na matutong magsalita ng Ingles ngunit ay hindi dapat kaligtaan na may wika tayo na kung saan, lahat ng pilipino ay makakaintindi,,habang nababasa ko ang isinulat mo ay natatamaan ako,dahil ako man din ay madalas magsulat ng mga bagay na nasa salitang ingles,..,pero kahit halos lahat tayo ay marunong mag salita ng ingles, tayo pa rin ay pilipino at dapat ipagmalaki ang sarili nating wika,,ang haba ng isinulat ko,,XD
ReplyDeletesalamat sa iyong komento Jm..hindi ka nag-iisa, ako mismo ay natatamaan sa sariling kong akda.^^
ReplyDeleteSa pagsusulat ng mga batas na nasa Ingles ay naiinsulto nila ang ibang mahihirap dahil ang ilan sa kanila ay hindi nakakaintindi nito at sa kaparaanan ring ito ay naloloko nila ang iba sa kanila.. dba tama??
ReplyDelete^__^
oo jake..tama nga,,
ReplyDelete